SAAN MATATAGPUAN ANG ZAMBALES?
Ang Zambales ay matatagpuan
sa Rehiyon ng Gitnang Luzon. Iba ang Kabisera nito. Ang Zambales ay nasa
hanggahan ng Pangasinan pa- hilaga, ng Tarlac at Pampanga pa- silangan, ng
Bataan pa- timog. Ang Zambales ay nakahimlay sa pagitan ng Dagat Timog Tsina at
Bundok Zambales.Kilala ang lalawigan sa produkto nitong mangga, dahil isa ito
sa matatamis na mangga sa buong mundo. Hitik na hitik ang prutas na ito sa
lalawigan mulang Enero hanggang Abril. Ang mga naggagandahang beach resort dito
ang dinarayo ng mga turista lalo na kung panahon ng tag-init.
Ang Zambales ay nahahati sa 13
munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Zambales ang
Botolan, Cabangan, Candelaria, Castilleejos, Iba, Masinloc, Palauig, San
Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Marcelino, San Narciso, Santa Cruz at
Subic. Olongapo ang nag-iisang lungsod nito.
Ang pangalang Zambales ay nagmula sa
wikang Zambal na ang ibig sabihin ay "mapamahiin at sumasamba sa kaluluwa
ng mga namatay na kamag-anak."
Ang mga Agta na nagmula sa Bundok Pinatubo ang mga unang nanirahan sa Zambales at di naglaon ay
pinalitan sila ng mga Zambal na kilala sa pagiging mapamahiin at mapaniwalain.
Sa ngayon ay magiliw pa rin nilang ipinagdiriwang ang mga kapistahan ng mga
Santo sa buong Zambales.
Ekonomiya
Agrikultura ang pangunahing
industriya ng Zambales. Kabilang sa mga pangunahing produkto ang palay, mais at
gulay. Pangingisda, pagsasaka at pagmimina ang kanilang ikinabubuhay.
Ang lugar ng Olongapo, na dating
base ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos ay unti-unti nang umuunlad bilang sona
ng industriyalismo at turismo sa pangangasiwa ng Subic Bay Metropolitan
Authority.
Wika
Tagalog ang nangingibabaw na wika sa
Zambales at sinusundan ng Sambal at Ilokano. Ang Ingles ay ginagamit din ng
karamihang naninirahan sa lalawigan.
MGA PRODUKTO SA ZAMBALES.
Dahil dito ang lalawigan ng Zambales ang tumayong host ng ‘15th National Mango Congress’, na ginanap sa Ramon Magsaysay Technological University convention mula Marso 20 hanggang ngayong araw, Marso 24.
Ang pinakamatamis na mangga ay matatagpuan sa Zambales.
Ang Mango Festival ay ipinagdiwang sa buong Zambales para itampok ang mayamang kalidad ng matatamis na mangga at makaakit ng turista para matikman ang tinaguriang ‘world’s best variety of mango’.
Libu-libong mga ZambaleƱos ang sumaksi sa mga pangunahing lansangan ng kapitolyo ng Zambales, Iba para saksihan ang okasyon.
Bitbit ang mga camera at cellphone ay nagkakagulo ang mga tao na kunan ang kabuuan ng festival.
Ayon kay Zambales Rep. Omar Ebdane, ang matamis na mangga ang naghatid sa Zambales ng karangalan.
Ang kauna-unahang mango convention sa Zambales ayon kay Ebdane ay malaking hakbang para higit pang palakasin ang industriya ng mangga sa lalawigan.
PALAY
Ang palay (genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng tao sa buong mundo. Nababagay ang pagbubungkal ng palay sa mga bansang may mababang gastusin sa paggawa at maraming presipitasyon, dahil nangangailangan ito ng labis na paggawa at maraming tubig para sa irigasyon.
Bagaman, maaaring tumubo kahit saan, kahit sa tabi ng matarik na burol.
Ang palay ang ikatlong pinakamalaking pananim, pagkatapos ng mais at trigo. Kahit na tubo ito sa Timog Asya at ilang bahagi ng Aprika, naging karaniwan na sa maraming kultura ang pagkalakal at eksportasyon nito sa mga nakalipas na mga dantaon.
Tinatawag itong palay kapag tumutukoy sa halaman at di pa nakiskis, bigas kapag nakiskis na, at kanin kapag naluto na at naging pagkain.
Tinatawag itong palay kapag tumutukoy sa halaman at di pa nakiskis, bigas kapag nakiskis na, at kanin kapag naluto na at naging pagkain.
Isa sa may magagandang palayan ang ZAMBALES. Sagana ang Zambales ng palay lalo na ngayon mag aanihan na.
MGA HANAPBUHAY SA ZAMBALES
PANGINGISDA
Ito ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay sa atin ng pagkain sa pang araw araw at ito rin ang bumubuhay sa mga taong nakatira sa tabing dagat. Hindi pwedeng natin itong abusuhin tulad ng pag bobomba sa dagat ng gamit ang dinamita. Ang epekto nito ay mas lalong nakakasira sa mga tahanan ng isda. Kung tuloy-tuloy pa ang mga ganitong paraan ng paghuhuli ng isda. Balang araw, walang nang isda mahuhuli sa karagatan
MGA TANAWIN NA MAKIKITA SA ZAMBALES!
CAPONES ISLAND AND LIGHTHOUSE
Capones Island Lighthouse ay isang makasaysayang parola matatagpuan sa Capones Grande Island sa baybayin ng Brgy. Pundaquit, San Antonio, sa lalawigan ng Zambales, sa Pilipinas. Ang gabay na liwanag international vessels na nagmumula sa hilaga hanggang hilagang-kanluran patungo sa Subic Bay o sa Corregidor Island Lighthouse sa entrance ng Manila Bay.
Anawangin ay isang hugis gasuklay-cove lined na may mga puno ng pine sa baybayin nito kung saan ay nagbibigay ito ng ibang impression kumpara sa iba pang mga tropikal na beach resort sa bansa na kung saan ay halos may linya na may niyog puno. Ang buhangin ay puti at malambot na may isang halo ng ashes bulkan mula sa huling pagsabog ng Mt. Pinatubo. Cove ay complimented sa pamamagitan ng nakapalibot na mga bato ng bundok na nagbibigay ito ng isang kaakit-akit at poster-perpektong tanawin lalo na kapag ang paglubog ng araw ay nagbibigay-off ang isang orange glow na sumasalamin sa bundok curves
POTIPOT ISLAND
MGA MAARING GAWIN SA NAPAKA GANDANG ZAMBALES
CAMPING AT ANAWANGIN
JEEPNEY RIDE
WATCHING FIRE DANCE
SURFING
MGA PAGDIRIWANG SA ZAMBALES
PAYNAUEN DUYAN FESTIVAL
BINABAYANI FESTIVAL
DOMOROKDOK FESTIVAL
FEAST OF INA POON BATO
MANGO FESTIVAL
MGA GUMAWA:
MAE GINES
FRANCHESCA MHAY QUINTAN
MARY GRACE MAURILLO
MON IVAN BATUGAL
PANGKAT:
VII-7A
MGA PAGDIRIWANG SA ZAMBALES
PAYNAUEN DUYAN FESTIVAL
BINABAYANI FESTIVAL
DOMOROKDOK FESTIVAL
FEAST OF INA POON BATO
MANGO FESTIVAL
MGA GUMAWA:
MAE GINES
FRANCHESCA MHAY QUINTAN
MARY GRACE MAURILLO
MON IVAN BATUGAL
PANGKAT:
VII-7A
SANA MARAMI PO KAYONG NATUKLASAN TUNGKOL SA MAGANDANG ZAMBALES SALAMAT.
AYON SA AKING EXPERIENCE SA PAG-GAWA AY MAS LALO AKONG NABIGHANI SA TUNAY NA GANDA NG PILIPINAS LALO NA SA ZAMBALES NAPAKAGANDA NG MGA TANAWIN, AT HIGIT SA LAHAT MASIYAHIN ANG MGA TAO DOON. SANA BALANG ARAW MAKAPASYAL AKO SA ZAMBALES.